An EggSandwich
DI MO LANG ALAM! By: Rjei Javier

Di mo lang alam, pero nasasaktan din ako, sobrang sakit para sa’kin ng nangyayare sa’tin ngayon. Di mo lang alam, pero parang sasabog na ko, sasabog na ko dahil di ko na kayang tiisin ka.

Di mo lang alam kung ga’no kasakit para sa’kin na habang naiisip ko ‘tong mga bagay na ‘to, ikaw parang wala lang. Na napakasaya mo. Oo, alam ko na sasabihin mo, dapat masaya lang. At masaya ko para sayo, na kahit papunta na tayo sa hiwalayan, nagagawa mo pa ding ngumiti. Pero di mo lang alam, isa yan sa dahilan kung bakit sobra kong naiinis sayo. Ewan ko pero sa t’wing nakikita kitang nakangiti, sobra kong nasasaktan.

Di mo lang alam na sobrang sakit para sa’kin na nakikita kang masaya kasama ang iba. Pero kapag kasama kita ni-hindi mo magawang ngumiti. ‘Yung totoo lang, ano ba ko sayo? Ang sama sa pakiramdam na parang mas napapasaya ka pa ng ibang tao kaysa sa napapasaya kita. Minsan nga tinatanong ko sa sarili ko, napasaya ba talaga kita? Parang wala akong nagawang maganda sa buhay mo. Nakakainis pakinggan ‘yung halakhak mo kapag tuwang-tuwa ka na, pero pag kausap mo na ko, hindi ka naman ganon kasaya. Kaya minsan parang gusto na lang kitang sakalin tapos tusukin sa mata ng ballpen kong blue.

Di mo lang alam kung ga’no ko nagseselos pag may kasama, may kausap, may katext, at may ka-chat kang iba. At alam na alam mo na may basehan lahat ng pagseselos ko. Wag kang maginarte dyan! Pektusan ko noo mo! E ikaw nga eh, magpopost lang ng pictures kahit di naman naka-tag sa’kin pinagseselosan mo. Kung hindi ka din tatanga-tanga, ikaw gumagawa ng ikakagalit mo. Tapos kahit saan may kalandian ka, tindi din nman! Tapos ako sasabihan mo ng malandi. Tapos pag ikaw sinabihan ng malandi, poot na poot ka, tapos ako na naman magmumukhang masama sa mga kaibigan mo. Saan mo gusto akong lumugar? Kaya mas magandang manahimik na lang eh. kaso pagtumahimik naman ako, sasabihan ako na walang pakialam. Lahat ng gawin ko masama. Ikaw na magaling! At sa t’wing nag-aaway tayo at susumbatan mo ko, sobrang sakit sa’kin ng lahat ng ‘yun. Dahil di ko man lang magawa ‘yung mga bagay na gusto mong gawin ko, kaya siguro sa iba mo hinahanap ‘yun. Ano pa nga ba?!

Di mo lang alam kung ga’no mo ko pinapahiya sa sarili ko. Sobrang nanliliit ako kapag nakikita ka na masaya kasama ang iba habang ako nasasaktan. Na sa buong buhay ko, ngayon ko pinagaralang magbago, nagpakatino ako, pero parang nangaasar ka talaga, ikaw ‘tong hindi makalayo sa bagay na alam mong ayaw ko, kahit alam mong masasaktan ako ginagawa mo pa din. Puro ka lang salita, pag ako talaga naasar mo tatahiin ko na lang yang nguso mo! Sobrang sakit din na pinagbibintangan mo ko sa mga bagay na di ko naman ginagawa, na kung titignan parang ikaw naman talaga ang gumagawa. Na nagagalit ka kesyo katext ko ‘yung ex ko na hindi naman totoo, pero ikaw lagi mong katext mga ex mo, may call sign pa. Aba! Astig ka din eh noh! Tapos bawal ako magalit? Mabisyo ka! Hiyang-hiya sayo ‘yung ipis sa lababo!

Di mo lang alam kung pa’no mo ko pinahihirapan ngayon. Simula sa cellphone hanggang sa Facebook! Ikaw lage nakikita ko! Kaya minsan naiinis din ako kay Samsung Galaxy Young eh, kasi naka-blocked message ka na pero lumalabas pa din ‘yung mukha mo pag nagtetext ka, kaya napipilitan pa din akong basahin ‘yung text mo. Pikon na pikon pa naman ako sa mga gm mo. Bute na lang napagaaralan ko ng tiisin ka. Ang kaso pag dating sa Facebook, anak ng destiny naman oh! Sa newsfeed puro ikaw, sa noti ikaw pa din! ‘Yung totoo, stalker ka noh?! Naiinis ako lalo, dahil parang nangaasar ka pa! No.1 liker pa din kita, at sobrang nakakaubos ng pasensya!

Di mo lang alam kung ga’no mo pinapasakit ulo ko! Pag magtatanong parents ko kung kamusta ka na. Gusto ko sanang sabihin na nag-suicide na, kaso baka magtaka sila. Kaya sinasabi ko na lang ‘yung totoo, na ayos na ayos ka lang pagkatapos troll face. Tapos susundan pa ng tanong na, kayo pa ba? (Tara! Laslas dre!) Oo, sobrang pakialamera si Coleen, at mapangasar si Rudy Boy, e anong magagawa ko? Edi sasagot ng, oo kami pa, going strong nga eh! Tapos mag-me-make a face ulit pagtalikod. Kaya asar na asar talaga ko, dahil kahit ako mismo tinatanong ko lagi yan sa sarili ko, TAYO PA BA?

Di mo lang alam lagi kong hinihiling na sana wag ng gumabi para lagi akong busy, lagi akong may ginagawa. Para di na kita naiisip. Tulad ngayon nandito lang ako sa bahay, ang hirap talaga na natetengga, nasisira sistema ko! Kung anu-ano pumapasok sa isip ko. Oo, bitter na kung bitter. Nagpapakatotoo lang ako. Hindi naman pride to eh. Gusto ko lang malaman kung mahalaga pa ba ko sayo. Siguro naman may karapatan ako, diba? 2years and 3months, mahigit dalawang taon, lagi ako ‘yung lumalapit, ako ‘yung nagsosorry kahit hindi ko kasalanan. Hindi naman ako nagsasawa eh. Kaso minsan naiisip ko, bakit ba ako lagi nag-eeffort dito? Hindi ba pwedeng ikaw naman? Kaso wala na kong magagawa, mas manhid ka sa’kin eh. Ang pait ng panlasa ko. Nakakainis! Sasabog na talaga ko, at dahil wala akong mapagsabihan, heto sinulat ko na lang. Hoping na mabasa mo para bago man lang tayo tuluyang maghiwalay naging malinaw sayo kung bakit ako nagkakaganto. Hindi ‘to trip lang, dahil ‘nung sinabi ko sayong mahal kita, seryoso ko ‘nun! Ako pa din naman ‘to eh, hindi ako nagbago. Ikaw ang nagbago kaya hindi ka na sanay sa’kin. Wag kang mag alala, hindi ko ‘to sinulat para gumawa ka ng paraan para maging ok tayo. Huli na talaga ‘to, wala ng susunod!

People will go soon, that’s absolute. But God never will, because He loves you. :))
People will go soon, that’s absolute. But God never will, because He loves you. :))
It’s RELATIONSHIP. <3
Walang iba, ikaw lang.

Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ‘to. E kahit nga dahilan ng pagsusulat ko ngayon hindi ko masyadong alam. Ang alam ko lang bigla kitang naalala. Sino ka nga ba?

Noon iniisip ko, ako na ang pinaka-maswerteng lalaki pag naging tayo na (swerte naman talaga ko no’ng tayo pa), dahil alam ko na sa dinami-dami ng pumoporma sa’yo ako yo’ng napili mo, plus points pa yo’ng pagiging malambing mo. Di ko nga makalimutan kung paano naging tayo eh. Pakiramdam ko nga mas kinilig pa ko kaysa sa’yo. :) Hindi ako makapaniwala no’n na, sa wakas akin ka na. T’yaga-t’yaga lang talaga. :) Habang inaalala kita ngayon, naisip ko lang din at napatunayan sa sarili ko na kakaiba ka talaga sa lahat ng babae na nakilala ko. Hindi lang halata pero talagang hinahangaan kita sa kabila ng katotohanang wala na nga tayo. Naisip ko lang din bigla lahat ng mga bagay na ayaw ko sa isang babae- na kapag ikaw ang gumagawa, gustong-gusto ko kahit pa nga ba naaasar ako, at syempre yung mga gusto ko sa babae na, nasa’yo na din ata lahat. Tulad ng mga ‘to:

*Walang ibang babae na nagagawang pasunurin ako sa mga gusto n’ya, ikaw lang. (bukod syempre kay mama, hindi ako bibigyan ng pang-gimik no’n kapag hindi ko s’ya sinunod.)

*Walang ibang babae na pinapakialaman ako sa mga bagay na ginagawa ko, ikaw lang.

*Walang ibang babae na pinapagalitan ako kapag hindi ako sumusunod sa mga magulang ko, ikaw lang.

*Walang ibang babae na nagagawang itago yo’ng galit n’ya pagkaharap n’ya ko, ikaw lang.

*Walang ibang babae na galit na galit pa din kahit ilang beses na kong nagsorry, ikaw lang. (badtrip!)

*Walang ibang babae na kinakalmot at kinakagat ako sa katawan bilang paglalambing n’ya, ikaw lang. (kakaiba ka talaga.)

*Walang ibang babae na sobrang nakakapag-pasakit ng ulo ko, ikaw lang.

*Walang ibang babae na sobra kong kinaaasaran pero palagi ko pa ding hinahanap-hanap, ikaw lang.

*Walang ibang babae na nakakapagpangiti sa’kin kahit wala pa s’yang ginagawa, ikaw lang.

*Walang ibang babae na ayaw pa ding magpahalik sa’kin kahit kami na, ikaw lang. (ito yo’ng ayaw na ayaw ko pero wala akong magawa!)

*Walang ibang babae na alam na alam kung paano ako saktan, ikaw lang.

*Walang ibang babae na kahit anong badtrip ko nagagawa pa din akong pangitiin, ikaw lang.

*Walang ibang babae na napagsalitaan ko na ng masasakit na bagay pero nandyan pa din sa tabi ko, ikaw lang. (sorry.)

*Walang ibang babae na minumura ako pag-asar na asar na s’ya sa’kin, ikaw lang.

*Walang ibang babae na nakakapagpakilig sa’kin kahit simpleng ‘good morning’ n’ya lang sa’kin sa text, ikaw lang. (ayeeee!!)

*Walang ibang babae na kailangan ko pang daanin sa matinding pakiusapan para lang yakapin ako, ikaw lang.

*Walang ibang babae na kapag niyakap ako sobrang sarap sa pakiramdam, ikaw lang. (totoo ‘to.)

*Walang ibang babae na kahit ang dami ko ng nagawang kasalanan hindi pa din nagsasawa na bigyan ako ng chance, ikaw lang.

At higit sa lahat,

*Walang ibang babae na nagtagal sa’kin, ikaw lang. (salamat pinagt’yagaan mo ko ah.)

Bakit gano’n? Mas marami pa din talaga ata yo’ng mga pangit na ugali mo, pero hindi ko alam, yo’n pa ata ang hinahangaan ko sa’yo. Ang sarap sa pakiramdam kapag naaalala kita kaso ang sakit mo lang talaga sa ulo. Habang sinusulat ko ‘to, alam na alam ko na kapag nabasa mo ‘to iisipin mo na nambobola lang ako. Kaya ko sinulat ‘to, dahil ayokong magpaka-bitter. Gusto kong maramdam kung ano ba talaga ‘tong nararamdaman ko , gusto kong maging malaya sa pag-iisip ng mga bagay-bagay. Ayokong ikulong ang sarili ko sa nakaraan, pero hindi ko din gugustuhin na basta na lang tumalikod sa bagay na alam ko, na kung magkakaroon pa ng pagkakataon, babalikan ko pa. Pero hindi ako aasa, gusto ko lang mabasa mo din ‘to, para malaman mo na kahit yo’ng mga maliliit na bagay na ginagawa mo para sa’kin napakalaki ng lahat ng yo’n. Matatapos na ko, hindi lang ako makahanap ng t’yempo pero hayaan mo, ito na ang una’t huli, pagkatapos nito sigurado akong matatapos na din tayo dito.

Enjoy every SANDWICH! :))
Part1

Simple lang. Dapat masaya lang. :) I remember the adage once says, “Enjoy every sandwich!” Parang malayo di ba? Try to think more sensefull. :)